Hindi parin nag sasalita si Eli habang sinusubuan sya ni
Dennis ng noodles. Nakakatitig lamang ito sa kawalan na parang manikang walang
buhay. Hindi parin makapaniwala si Eli na nangyayari sa kanya ang ganito,
inaalala kung meron ba syang kasalanan o ginawang mali
sa relation nila ni Jopel para parusahan sya ng todo. Samantala patuloy parin
ang pag kasikaso ni Dennis sa kaibigan, kahit na medyo naiinis sya dito ay
pilit nya itong iniintindi. Ganoon ba talaga ka lalim ang nararamdaman ni
Dennis kay Eli na kahit na hindi sya ang pinili ng dalaga ay naririto parin sya
at sumosuporta dito?
“Si Jopel ang dahilan kung bakit ka nag kakaganyan ano?”
tanong ni Dennis
halos mabasag naman ang puso ni Eli ng marinig ang pangalan
ni Jopel at di napigilang tumulo muli ang luha sa kanyang mga mata.
“Puta! Gago sya! Kung alam ko lang na mag-kakaganyan ka, di sana
kita hinayaang mapunta sa kanya” galit na sabi ni Dennis
isang blankong tingin lang ang isinagot ng dalaga, na parang
nag tatanong kung bakit nya ito nasabi. Di alam kung magagalit o matutuwa dahil
meron syang kaagapay sa mga oras na yon.
“Anong ginawa kong masama… para maparusahan ng ganito…!” mahina at nanglulumong sabi ni Eli, bakas sa kanyang boses ang pang hihina at pag durusa.
“wala kang kasalanan, ang mali
mo lang ay pumili kang ng maling lalaki” tugon naman ni Dennis.
“pero ginawa ko naman ang lahat eh… bakit kailangan nya ako
ganituhin” sabi ng Dalaga
“WALA KANG KASALANAN! Tarando lang talaga ang boyfriend mo”
galit na sabi ni Dennis, “Sinabihan na kita dati sa ugali ni Jopel at mga babae
nya, pero di ka nakinig sakin” sunod na sinabi nya.
Napayuko nalang si Eli habang nakikinig sa mga sermon ni
Dennis dahil para sa kanya napaka santong lalaki ni Jopel at wala syang ibang
hinangad kundi makasama ito habang buhay. Parang ayaw nyang pakinggan ang mga
masasakit na salitang binibitawan ni Dennis dahil mahal na mahal parin nya ang
hayop na lalaking yon sa kabila ng panlolokong ginagawa sa kanya nito. Nag
bubulag bulagan na lamang sya dahil alam nyang totoo lahat ng sinasabi ni
Dennis.
Napansin ni Dennis ang sakit na nararamdaman ni Eli kaya
tumigil ito sa ginagawa at hinawakan ang kamay ng dalaga. Itinaas nya ang muka
nito at lumantad sa kanya ang namumula at luhaang mata ni Eli.
“tama na, wag kana umiyak… nandito ako para sayo kahit na
bilang kaibigan lang ang tingin mo sakin” sabi ni Dennis habang pinapa tahan si
Eli.
Sa sobrang emosyong nadarama ay di nakapag pigil si Eli at
tuluyang niyakap si Dennis.
“Salamat! Salamat Dennis, Di ko alam ang gagawin ko kung hindi ka dumating”
sabi ni Eli habang umiiyak at naka subsob sa balikat ng binata.
Matagal at mahigpit ang pagkakayak ni Eli kay Dennis na sya
naman ikinatuwa ng lalaki. Ramdam ni Dennis ang malusog na suso ng dalaga
ngunit di nya ito iniintindi dahil ayaw nyang pag isipan ng di maganda ang
kaibingan lalo na’t sa ganitong kalagayan.
Nang kumalas sa pag kakayakap si Eli ay mayron syang ngiti
sa mga mata, nagpapasalamat sya at dumating si Dennis bago pa nya tuluyang wakasan ang
buhay nya. Natatawang nag punas ng luha ang dalaga dahil naalala ang mga
kalokohang ginawa kanina.
Masaya ring tinititigan ni Dennis ang dalaga habang nag
pupunas ng luha. Parang may tinik na nawala sa kanyang dibdib. Tinulungan nyang
magpunas ng luha si Eli nang biglang nag
katitigan ang kanilang mga mata. Parang may pumintig sa puso ni Eli habang
nakatingin sa mga mata ni Dennis, dahan dahan lumapit ang muka ng lalaki sa
muka ni Eli. Napalunok si Eli, alam nya ang gagawin ng binata. Palipat lipat sa mga mata at labi ang mga tingin ni eli sa muka ni Dennis, palapit ng palapit ito. Napapikit
ang mga mata ng dalaga at naghihintay na halikan sya ng binata, tumaas ng kaunti
ang baba para salubungin ang labi ni Dennis. Ngunit hindi sa labi dumampi ang
malalambot na labi ng binata na kanyang inaasahan, kundi sa ka kanyan noo. Pag
mulat ng mata ni Eli ay nakangiti sa kanya ang binata.
Ngumiti na lamang si Eli at hindi malaman ng dalaga
kung ano ba ang mararamdaman sa ginawa ni Dennis.
“o sya! Aalis muna ako at kailangan ko pa mamili ng regalo
sa mga inaanak ko” pabirong sabi ni Dennis
“Wag ka muna umalis wag mo kong iwan mag isa dito” biglang
pakiusap ng Eli ng tumayo na ang binata.
“Ayokong mag isa dito, dito kana lang muna” pahabol na sabi
ng dalaga
natutuwa ang lalaki sa kanyang mga naririnig, mukang ito na
siguro ang hinhintay nyang pag kakataon kay Eli. Pero ayaw nyang ipahalata sa
dalata ang nararamdamang kilig sa kanyang dibdib. Kaya huminga sya ng malalim
bago sya nag salita.
“Hayyyyy! O sya sige pag bibigyan kita … babalikan kita
mamaya bago 12, kailangan ko kasi munang mamili para bukas.” Sabi ni Dennis
“Dito kana mag pasko” sabi ni Eli
napaisip ang lalaki bago ito sumagot
“hmmmmm … sige, sige sabi mo ehhhh pero pag luluto mo ako
ahhhh” pakipot na sagot ni Dennis ngunit sa loob loob nya ay parang may nag
fifiesta dahil ang totoo ay gusto gusto nya rin talagang maka sama sa pasko ang
dalaga.
Nag ayos na sarili ang binata at lumabas ng apartment habang
si Eli naman ay tumayo narin sa higaan at nag simulang mag handa sa kusina.
Buti nalang at nakamili ng grocery kahapon at hindi masasayang ang kanyang
pinamili.
Sa labas ng gate ng appartment ni eli ay masayang naglalakad
si Dennis. Lumingon pa sya ng isang beses sa may bintana ng appartment ni Eli
bago ito pumara ng taxi. sa di kalayuan ay hindi alam ni Dennis na may lalaki pala na nakatayo sa
may tindahan malapit sa tinutuluyan ni Eli na kanina pa sya pinag mamasdan ng
lumabas ito mula sa loob.
No comments:
Post a Comment