Wednesday, January 2, 2013

Christmas Story part 7


Mahilo hilo pa si Jopel habang pilit na tumayo sa pagkakaluhod dahil sa pag kakahampas sa kanya sa batok. Ni hindi man lang nya nalaman kung san o sino ang pumalo sa kanya. Pilit nyang hinahanap ang lalaking humampas sa kanya ng makaramdam nanaman sya ng malakas na tama mula naman sa kanyang tagiliran. Kasunod ng malakas na sipa sa kanyang tyan. Halos mapunit ang pag hinga ng binata sa sobrang sakit na nararamdaman. Sinubukan nyang tumingin sa kinaroroonan ng taong nanggambala at ngayon ay bumubugbog sa kanya ngunit sinalubong lamang sya ng malakas na sapak sa muka. Hindi na pinilit na tumayo ni Jopel sa takot na masaktan muli at dahil na rin sa hilo na nararamdaman. May narinig na lamang syang mahinang sigaw at pagmumura mula sa palig.


“PUTANG INA MO, DI KAPA NA KONTENTO SA GINAWA MONG PANLOLOKO KAY ELI! GUSTO MO PA SYANG BABUYIN HAYOP KA!” boses ng lalaki na medyo pamilyar sya ngunit di nya maalala.

pilit nyang hinanap kung saan nang galing ang boses at kakita nya itong nakatayo sa harapan ng kama kung saan nakahiga si Eli.
“Dennis!” gulat na sambit ni Jopel ng maaninag ang lalaking umatake sa kanya.

Dali daling kinuha ni Dennis ang kumot at itinakip sa hubad at walang malay na katawan ni Eli.

“Eli! Eli! Dyos ko” tawag ni Dennis sa babae na may kaba at takot sa boses habang naka titig sa pasa nito sa muka.
Hinawakan ni Dennis ang pulso sa Leeg habang pinakikiramdaman ang pag hinga ng dalaga. Nakahinga lamang ng maluwag si Dennis ng maramdaman ang bulso at mabagal na pag hinga ni Eli.

Samantala naka kaipon naman ng lakas si Jopel mula sa pinsalang ginawa ni Dennis. At nagawang makatayo at makuha ang patpat na ginamit kanina sa kanya ni Dennis. Kahit na hubot hubad ay wala itong hinyang nararamdaman sa harap ng kapwa lalaki. Ang gusto lang nitong gawin ay makaganti sa mga ginawa sa kanya.

“Hindi mo makukuha si Eli, sakin lang sya!” sabi ni Jopel na parang nasabian ang boses.
Natulala si Dennis sa nakikita, nanlilisik ang mga mata ni Jopel naglalaway na parang asong ulol na gusto syang sakmalin.

Gamit ang patpat ay inatake ni Jopel si Dennis, tumakbo sya papuntang kama kung nasan nakaupo si Dennis na tipong hahatawin nya ito ng papat.

Natakot naman si Dennis hindi para sa kanyang sarili kung si sakaligtasan ni Eli dahil alam nyang wala na sa sarili si Jopel. Kailangan nya mailayo ang halimaw na ito kay Eli kayat sinalubong nya si Jopel. Isang malakas na hampas ang tumama sa tagiliran ni Dennis ng saluhin ang atake ni Jopel. Dahil sa sakit ay bumigay ang tuhod ni Dennis. Pag tingala ni Dennis ay nasa harapan na nya si Jopel, naka ngiti at nag hahandang humampas muli.

Itinaas ni Jopel ang patpat para ipalo muli kay Dennis, habang nakangiti sya dahil alam nyang panalo na sya sa labang ito.
“Kahit kailan talunan ka parin,” mapang lait na sabi ni Jopel kay Dennis.

Nakakita ng pagkakataon si Dennis at kahit na sobrang sakit ng paghampas sa kanya ay mabilis parin syang nakakilos at unahan si Jopel sa pag atake.

Isang malakas at napakasakit na sapak ang naramdaman ni Jopel mula sa kanyang bayag. Pakiramdam nyay parang nabasag ang kanyang itlog sa pagkakasapag ni Dennis. Biglang nang hina ang buong katawan ni Jopel at nabitawan ang hawak na pamalo. Sa sobrang sakit at bumagsak sya sahig at namilipit. Dahan dahan namang tumayo si Dennis at dinampot ang pamalo, pagkatapos ay hinila nya si Jopel sa paa papunta malapit sa pintuan. Kinuha isa isa ni Dennis ang mga damit ni Jopel sa sahig at inihagis nya ito kay Jopel.

“umalis kana dito bago pa ako tumawag ng pulis hayop ka!” sabi ni Dennis habang hawak ang pamalo sa isang kamay. seryoso ang mga mata ni Dennis at nakaabang ito na umatake kung sakaling gumawa ng di kanais nais si Jopel. 

nakaramdam naman ng takot si Jopel sa pag babanta ni Dennis kaya pilit na tumayo si Jopel at isinuot isa isa ang damit kahit na sobrang sakit ng buong katawan. Hindi naman inalis sa paningin ni Dennis si Jopel sa kadahilan na baka makahanap nanaman ito ng pag kakataon na umatake. Hindi pa man lubusan nakakapag ayos si Jopel ay bigla syang nilapitan ni Dennis na parang aatakihin, dahil sa takot ay tumakbong iika ika palabas ng bahay si Jopel.

Sinigurado muna ni Dennis na nakasakay at naka alis na si Jopel bago sya umupo sa kama para indahin ang sakit ng pag kakatama sa kanya ni Jopel. tinitigan nya muli si Eli bago sya pumunta ng kusina para asikasuhin ang nasusunog ng niluluto ni Eli.

No comments:

Post a Comment